Is Being A Nurse Really For Me 102

Is being a nurse really for me? 102

I am currently working as a private duty nurse. I’ve been in this work for 1 1/2 mos already after I took my 2 month rest from abroad. Sa loob ng 1 1/2 months, di ko mabilang sa mga daliri ko ang mga bad experiences na naencounter ko reason to make me think if kaya ko pa ba.. And here are some of them.
1. Degraded by the patient and its relatives.
2. Yung magdadoubt ka sa kakaYahan and knowledge mo dahil ang relatives ng patient ay people of know-it- all.
3. Di mo magawa yung duties mo as a nurse kasi kung ano yung tingin tama ng relatives yun ang gagawin mo.
4. No social life. 12hrs duty. And we all know kung gaano katraffic sa Manila. So burned out na.
5. Night shift. In my case, once palang ako nagoff simula nung napunta ako sa long term patient ko last July 13. Anong petsa na ngayon diba? Bigti na.
6. Minsan umaattitude problem din ang mga kasambahay kaya more patience to come para sa akin. Yung akala mo mas may alam pa sila sayo.
7. Worst feeling ever is that naaalagaan mo ang ibang tao but whenever your loved ones are ill di mo sila maalagan.
8. Maximum of hours of sleep ko is 4hrs. Madalas putol putol pa yon.
9. Mag isa sa work. Walang kausap. Boring. Unlike pag company you can meet new people kasi madsming employees.
10. Wala ng TLC yung pagaalaga ko which is the main core kung bakit gumagaling agad mga patients namin. In my case, naiinis na ako sa patient ko. ✌ Pati sya nadadamay sa inis ko sa mga anak nya

Tao lang din ako. Napapagod. Nauubusan ng lakas. Pwdeng umayaw na pero paano kung eto ang trabahong mas nagooffer ng malaking sweldo? 😣😢

Advertisements

Is being a nurse really for me? 101

Being a nurse is a noble profession. We care for the person from womb to tomb, from birth to death. We are sensitive enough to the needs of the people.

Nursing has its different field. Pwedeng sa hospital ka, sa industrial, homecare and whatnot. So ako napadpad ako ngayon bilang private nurse. Madalas asa bahay ang patient ko. Minsan iaassign din ako sa hospital. Since admitted ang patient ko, nasa hospital din ako. More on assisting lang kasi may mga staff nurse sa hospital.

I always question myself kung gusto ko ba talaga ang trabahong pinasukan ko ngayon. I came from a polyclinic abroad so obviously ibang iba ang set up. Everytime na naaassign ako ngayon sa hospital, nagpapanic attack ako, ninenerbyos at halo halong emosyon pa. Recently ko lang naramdaman to.

I admit kulang ako sa skills dahil di ako nagwork ever since na pumasa ako mg board exam sa hospital. Kasi before, it’s not about what you know rather who you know (hanggang ngayon naman ata 😒). From then on, I thought di ko na magagamit ang pinag aralan ko until nagkaopportunity ako magwork sa KSA bilang staff nurse sa isang polyclinic. I have no idea sa mga ginagawa since hindi nga ako nagkaron ng experience sa Pinas. On the job training was not enough to be considered as an experience.

I actually did not want to work abroad. But I thank God that I enjoyed working there. Routine and simple lang kasi ang trabaho. Toxic pero manageable naman.
Then heto na naman ulit ako starting from scratch. Comfort zone ko na nga yung sa polyclinic kaya ayoko sana umalis.

Sabi nila you will not learn unless umalis ka sa comfort zone mo. So ngayong nawala ako sa CZ ko, does it mean na I am learning? I hope so.. Kasi instead na napapamahal ako sa trabaho ko parang lalo lang ako nagkakaron ng reason not to escape but to leave this kind of job.

It’s You Again

Whenever I see your name that is active on messenger I just can’t help but smile a little bit. Smile in a way that I remember all the memories I had with you. I smile because of your cute profile picture facing at the mirror with a red Superman shirt, your bare head exposing your scalp(lols) and your chubby body. Haha Your five letter name tickles my heart and soul.

I temporarily forget my problems when I reminisce those moments with you. The bad times and most specially the good times. Oh how badly I am missing you right now. But life must go on. And I need to move forward and make my dreams come true.

Hanggang silip na lang ako sa profile mo. Hanggang sulyap na lang ako sa messenger ko tuwing active ka. Parang baliw na kinikilig makita lang na online ka. Parang magcocollapse kapag niview ang MyDay and MyStory ko sa social media. Kahit dun man lang maramdaman kong tao pa din akong marunong kiligin.

Alam ko this is not a permanent feeling. Kung kelan mawawala I have no idea. Kung sino ulit ang mamahalin ko, diko din alam. Hindi ako masyadong nagmamadali pero naiinip ako ng kaunti. Iisipin ko nalang na isa kang magandang panaginip mula sa aking humigit kumulang tatlong taon na pagkakahimbing.

You are the Superman of my life and I am the Wonderwoman of their lives . 😉

Love,

Malia

Nasa Punto Ako ng Buhay Ko.

Naranasan mo na bang mawalan ng gana sa buhay? Yung tipong wala kang ganang bumangon, walang ganang pumasok sa work, walang gana sa lahat ng bagay. Yung parang hindi kana nakakaramdam.

Yung pakiramdam na nagtatrabaho ka nalang kasi kailangan. Kasi may umaasa sa ‘yo. Pero sa tuwing sasapit na yung oras na papasok ka na naman sa work e parang hindi mo maintindihan yung nararamdaman mo. May halong lungkot, kawalan ng gana, yun parang wala ng thrill ang life? Kasi paulit ulit nalang. 😢

Nandoon ako sa puntong yon. Nasa punto ako ng buhay ko na hindi ko na alam ang gusto ko sa buhay. Hindi ko alam kung gusto ko pang ituloy ang pagiging nurse. Alam kong isa ito sa mga noble profession. Pero nawawalan na ako ng motivation para ipagpatuloy pa ito.

Di ko man ninais na maging isang nurse noon, sinubukan ko naman na mahalin ito sa paraang alam ko. Pero parang hindi sya para sa akin. Parang love,kahit anong pilit mong mahalin kung ayaw nya sayo, ayaw nya sa’yo. Masasaktan at masasaktan ka lang.

Nasa punto ako ng buhay ko na itigil na ang propesyong ito. Di ko alam kung dahil ba mag isa lang ako sa trabaho o sadyang nagdadahilan lang ako. Malungkot, boring, walang challenge ang maging isang private nurse para sa akin.

Oo maaring may kalakihan ang sahod, pero kung hindi ka masaya sa ginagawa mo it’s useless. Nakakasama ng loob na naaalagaan mo ang ibang tao. Pero yung sarili kong magulang pag may sakit hindi ko man lang mapainom ng gamot o maakap.

Ang sabi ng kaibigan ko quarter life crisis daw ito. And sya mismo naexperience nya ang nararanasan ko. At nasa punto ako na etong kabanata ng buhay ko ang ayoko ng balikan. Nakakabaliw. Nakakaiyak. Nakakatakot.

Malia

Ano Ba Talagang Gusto ko?

Simple lang…

Simple lang ang gusto ko sa buhay. Yung hindi sobrang yaman at hindi din naman mahirap. Yun kahit papano nabibili ko yung gusto kong bilhin. Yung hindi kana mangungutang pa sa iba kasi may naitabi ka.

Bahay na sakto para sa aming pamilya. Yung tama lang. Yung nagkikitaan pa kami sa bahay kasi di sya malaking malaki hindi din naman maliit at masikip. Sama sama sa dining room kumakain ng dinner, nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong maghapon.

Trabaho na Lunes hanggang Byernes lang. Yung Sabado at Linggo, oras para sa sarili,pamilya at mga kaibigan. Hindi yun tipong kulang na lang ilipat mo na yung bahay mo sa trabaho.

Trabaho na dito lang sa Pinas at maaaring uwian lang. Hindi yung kailangan mo pa magrenta at lumayo sa pamilya mo. Hindi yung mangingibang bansa kapa para lang mabigyan ng maalwang buhay ang pamilya. Kasi dito lang sapat.

Isang simpleng buhay kasama ng pamilya at mga kaibigan ang gusto ko. Masaya lang at hindi komplikadong buhay.

Simple lang naman kung iisipin. Sa sobrang simple nya, yung iba hindi maappreciate. Dahil sa sobrang ikli ng buhay, gusto ko makasama ng mas matagal yung mga taong importante sa akin. Hindi yung nakakausap mo lang sila sa messenger or sa text. Or minsan nga hindi man. Nagaassume ka na lang na masaya at ok sila dahil sa mga posts nila sa social media.

Marahil yung iba tatawanan ako dahil napakababa ng pangarap ko. Nangarap din naman ako at nangangarap pa din ng mas mataas. Nakapag ibang bansa na din. Pero I realize na hindi mababalik ng pera ang mga oras na nawalay ka sa mga minamahal mo sa buhay.

Malia

Isang Taon

One year.
12 months.
365 days.
8,760 hours.
525,600 minutes.
31,536,000 seconds.

Correct me if I am wrong pero computed yan sa 1yr.

For the past 3months that I’ve been staying here in the Philippines, still I am in the state of adjustment phase. Adjustment sa environment, sa work and sa mga tao.

I talked to a former workmate and told her that I am still making some adjustments. And she told me na matagal daw talaga. I just thought na she experienced it as well kaya I think matagal nga.

Isang taon. Yan ang sinabi sa akin ni former workmate na friend ko din. Isang taon ang dadanasin ko bago ako masanay sa lugar na dati ko ng nakasanayan noon.

Isang taon ang bubunuin upang hindi masyado maalala ang isang ikaw na minsang nagpatibok ng puso ko.

At isang taon ang palugit ko upang umalis sa isang trabahong hindi ko alam kung nanaisin ko pang ituloy.

I wish sa loob ng isang taon ay makapagnilay nilay ako. Nasa point ako ng buhay ko ngayon na hindi ko alam ang gusto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Etong yugto ng buhay ko ang ayokong balikan in the future. Napakahirap. Di ko alam ang tawag dito. Midlife crisis? Depression? Kung anuman to please Lord gusto ko ng makatakas sa gantong kabanata.

Malia

Naranasan Mo Na Ba?…

Naranasan mo na bang magmahal ng taong alam mong kahit kelan walang pag asang maging sa ‘yo? Yung tipong gumawa ng paraan yun universe na magkakilala kayo , tinadhanang mahulog ka pero hindi ka kayang saluhin?

I’ve been there and done that(actually I am under this circumstance). And I strongly detest those people na kayang manira ng ibang relasyon just to get the person they like. Pero now, I feel them. And sabi nga nila, di mo maiintindihan ang nararanasan ng ibang tao, not unless napagdaanan mo na din.
But.. isang malaking BUT. Like I said earlier, I just feel and understand them. Never in my imagination na manira ng relasyon ng iba. Masakit yon. Sobra! My mother did not raise me to ruin someone else’s relationship. As much as I can, pipigilan at papatayin ko ang nararamdaman ko. It’s not our fault na magkagusto sa isang taken na at hindi rin naman siguro masama yon. What’s wrong is , alam mo ng taken na umeksena kapa. Very very wrong besh!
Below are my pieces of advice and ako mismo sinubukan ko to. Honestly hindi sya madali. Pero para sa kapayapaan kinaya ko naman. At alam kong nyo din. ☺

  • Try to avoid the person.

As much as possible iwasan mo sya. Kung kaibigan mo sya, medyo maglagay ka ng konting space or boundary. Hindi kasi lahat ng nararamdaman mo ay tama. Lahat ng wrong timing at wrong people ay hindi pwedeng maging right love. Dumistansya ka muna friend. Baka mamaya or bukas makalawa, mauntog ka at magising ka nalang na wala ka ng feelings for him. Who knows di ba?

  • Divert your attention.

Kung dati madalas mo sya maisip, subukan mong sumali sa mga extra curricular activities sa school,work or sa simbahan. I am pretty sure magiging busy ka non at mawawala sya sa isip mo not permanently or abruptly but at least temporarily.

  • Make time for your loved ones.

Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Mas madali mo syang makakalimutan kung kasama mo yung mga taong totoong nagmamahal sayo. Pamilya ang unang unang makakaintindi sayo. Next are your friends. Not just so called friends but your trusted friends. Sila yung pagtatawanan ka at sasabihin sayo yung dapat na marinig mo hindi yung gusto mo lang marinig.

  • Next thing is, magentertain ka ng manliligaw kung babae ka. Makipag date ka. Try not to be paasa. But instead, kilalanin mo yung taing nagpapakita ng mabuting intensyon sayo. Malay mo sya na pala yung The One mo di mo lang napapansin kasi busy ka sa maling tao. Kung lalaki ka naman, humanap ka ng babaeng pwede maging prospect na pang road to forever. Kaibiganin nyo muna syempre. Do not be in a rush.
  • And lastly, pray.

This is the best thing to do. I’ve been doing this for a few months now. Dahil pinagdadaanan ko sya ngayon. Gabi gabi ako nagdadasal na sana mawala na yung nararamdaman ko sa kanya. Kasi ang hirap! 😢 Yung minsan naiiyak ka nalang pero wala ka magawa.

Hay! Anyway, those are the steps. Kung meron kapa naiisip mention it. God loves us so much. Ayaw nya tayong nasasaktan. Madalas kasi tayo mismo gumagawa ng sarili nating ikakasakit ng damdamin. Survey your surroundings. Baka nagaantay lang or nagaabang lang sayo si Mr.or Miss Right tapos kung san san kapa tumitingin. 😉